August 2013, nalaman ko na meron akong Psoriaris

Dan Robbi Elizon pic

August 2013, nalaman ko na meron akong Psoriaris. Makati sa ulo at sa katawan lalo na noong dumadami na siya, hirap din ako matulog. Ramdam na ramdam ko talaga na mahina yung resistensya ko. Simula noon lagi na akong nakalong sleeves. Dati naman di ako maselan pero simula nag magkaroon ako ng Psoriasis naging cautious na ako sa mga pinapahid at kinakain ko.

Ang hirap lalo na sa pag-aapply sa trabaho. Okay na ako sa lahat ng proseso pero nung nalaman nila na may Psoriasis ako bigla nila akong nireject on the spot dahil sa physical appearance ko.

Marami akong napuntahan na ospital at mga clinic. Ang dami kong natry na mga topical treatment at gamot hanggang sa nairekomenda sa amin ang Rapha Health.

Malaki ang naging tulong ng IV treatment at Ondamed sa akin. Sa first treatment pa lang nakaramdam ng maayos at mahimbing na tulog. Binigyan din nila ako ng meal plan na sinusunod ko kahit mahirap hanggang sa nasanay na rin ako.

– Dan Robbi Elizon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *